Mga Punto na Dapat Tandaan para sa Porm ng mga Reklamo at Sumbong sa Online


Mangyaring punan ang porm ng abot sa iyong kaalaman. Ang impormasyon na ibibigay ay iingatan ng may paglililhim.

Maaari ninyong masiyasat kung ang isang ahensiyang pang-empleyo o employment agency (EA) ay lisensiyado sa “Paghahanap ng pahina ng lisensiyadong ahensiyang pang-empleyo”.

"Ang Portal ng mga Ahensiyang Pang-empleyo” ay nag eencrypt ng paglilipat ng data network o mga impormasyon upang protektahan ang inyong personal na datos.

Ang Kagawaran ng Paggawa ay isasang-guni ang inyong mga reklamo at sumbong sa iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kagawaran at organisasyon kung ito ay sa nasa ilalim at saklaw ng kanilang kapangyarihan.

Mangyaring sikaping mapunan ang porm sa Ingles o Intsik hangga’t maaari upang kaagad naming maisagawa ang pag-aasikaso ng inyong kaso. Kung mas mamarapatin ninyong gamitin ang inyong sariling wika, mangyari lamang na sa inyo ay maipabatid na kakailanganin namin ang mas matagal na pagproseso ng inyong mga katanungan at reklamo at sumbong.

Mangyaring huwag magpasok ng mga espesyal na simbolo o emoji sa anumang patlang ng data. Kung ang anumang espesyal na simbolo o emoji ay kasama sa anumang patlang ng data, maaaring hindi na mailipat o maiproseso ng sistema ang naaangkop na datos sa Administrasyon ng mga Ahensiyang ng Empleyo para sa pagsubaybay ng iyong reklamo.


Pahayag ng Pagkuha ng Pansariling Impormasyon


Layunin ng Pagkuha

1. Ang personal na datos na kinuha sa porm na ito ay gagamitin ng Kagawaran ng Paggawa (Labour Department (LD)) para sa layon ng pagsasaalang-alang kung ang ahensiyang pang-empleyo (EA) ay pagkakalooban/magpapanibago o magre renew ng lisensiya, isang duplikado ng lisensya o pagpapatibay ng pagiging liban o exemption, at paglalapat/pagpapatupad ng Bahagi XII ng Kautusang Pang-Empleyo o Employment Ordinance (EO), Mga Regulasyo ng Ahensiyang Pang-empleyo at Koda ng Alituntunin at Panuntunan para sa mga Ahensiyang Pang-empleyo. Ang mga kaugnay na impormasyon ay maaari ding magamit upang makatulong sa pagpapatupad ng kaugnay na batas ng iba pang mga kawanihan/tanggapan ng pamahalaan.


2. Ang pangalan ng naghahawak ng lisensiya ng isang EA/ pangalan ng may hawak ng pagpapatibay ng pagiging liban o exemption at iba pang mga kaugnay na impormasyon ay ilalathala sa Pahayagan upang ang mga miyembro ng publiko ay maaaring makasiguro kung ang isang tao o isang kumpanya ay napagkalooban ng isang lisensiya ng EA / pagpapatibay ng pagiging liban.


Pagtunghay sa Pampersonal na Datos

3. Kung saan ang isang EA o ang isang tao ay nahatulang nagkasala sa salang labis na paniningil sa mga naghahanap ng trabaho sa ilalim ng Seksyon 57(1)(a) ng EO o ang paglabag na pagpapatakbo ng walang lisensya sa ilalim ng seksyon 51(1) ng EO, o kung saan ang lisensya ng isang EA ay pinawawalang-bisa o tinanggihang magkapagpanibago (renew) o nabigyan ng sulat ng mga babala ng Employment Agencies Administration (EAA) ng LD, ang sumusunod na impormasyon ay ilalathala sa website sa Portal ng EA ng LD.–


- ang pangalan at lugar ng may kinalamang EA;
- ang petsa at ang klase ng hatol ng pagkakasala;
- ang petsa at ang dahilan ng pagpapawalang-bisa / pagtanggi ng pagpapanibago ng lisensya, at / o
- ang petsa at dahilan ng pagbibigay ng isinulat na babala.


4. Dagdag pa dito, ang LD ay maglalathala ng impormasyon sa uri ng pagpapahayag ng mga tagapagbalita kapag ang EA o ang isang tao ay nahatulan ng labis na pagsingil sa mga naghahanap ng trabaho o pagpapatakbo ng hindi lisensiyado, o kapag ang lisensya ng EA ay pinawalang saysay o tinanggihan ang pagpapanibago.


5. Ang pagbibigay ng pampersonal na datos sa pamamagitan ng porm na ito ay kusang loob. Kung hindi kayo makakapagbigay ng sapat na impormasyon, hindi namin magagawang iproseso ang inyong kahilingan/ sumbong at reklamo.


Mga uri ng Maglilipat

6. Ang mga pansariling datos na ibinigay ay maaaring maihayag sa ibang tanggapan/kawanihan para sa mga layuning binanggit sa parapo 1 sa itaas.


Pagtunghay sa Pampersonal na Datos

7. Kayo ay may karapatan ng pagtunghay at pagwawasto sa inyong pampersonal na datos gaya ng naibigay sa Seksyon 18 at 22 at ng Panukala 6 ng Skedyul 1 ng Pampersonal na datos (Pampribado) na Kautusan. Ang inyong karapatang makatunghay ay kasama ang mga karapatan upang makakuha ng isang kopya ng pampersonal na datos na inyong ibinigay. Maaari ninyong isagawa ang gayong kahilingan sa pamamagitan ng pagsusulat sa “Porm ng Kahilingan Para Makatunghay (Personal Data Access) / Pagwawasto ng Pampersonal na Datos (Correction Request Form)” na mayroon kami sa tanggapan ng EAA ng LD.


Mga Pagtatanong

8. Para sa mga pagtatanong, sa pagkuha, pagtunghay, at pagwawasto ng inyong pampersonal na datos, mangyari lamang na tumawag sa EAA sa 2115 3667, o sumulat sa Labour Officer ng EAA ng LD sa Unit 906, 9/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon.